Rant Pa More! || Blog #2
This is a continuation of my first blog and to become spontaneous in writing, I just want to be clear that I am not promoting hate against anybody or any entity.
I have stated clearly from my blog description that I speak my mind. As a reader, you’re free to agree or disagree. Comments may come positive or negative but at the end of the day, your engagement to my blog means a lot to me.
Anyway… this is my second blog. Pero teka, pure English ‘yon ah! Hehehe.
To become an effective network marketer or internet marketer, we need to establish a positive online presence. Essentially, this plays a vital part of the so-called branding and building authority online especially when marketing using social media.
However, marami sa ating mga Pinoy ang hindi ‘informed’ sa ganitong mga bagay. Kung napapansin niyo, lumalabas ang mga rants ng mga ‘networkers’ sa social media sa tuwing:
1. Naloko sila ng upline nila.
2. Hindi na makapag pay-out ang company nila.
3. Inindian sila ng mga prospects nila.
4. Tinatawag na scam ang company nila.
5. Nakaka experience sila ng matinding rejection sa mga prospects nila.
Marami pang mga dahilan. Gayunpaman, ang pag rarant sa social media ay nakakabawas ng pogi o ganda points sa inyong mga prospects. Nakakapag create kasi ito ng negativity at ang epekto nito, nababawasan ang tiwala sa ‘yo ng tao.
Yan ang mga bagay na dapat mong iwasan. Lalo na kung nag uumpisa ka pa lang sa online marketing.
Kung mayroon mang masamang kaganapan sa buhay mo, ‘wag mo na ito i-post para lang makakuha ng simpatya sa mga ‘friends’ mo. Trust me, it wouldn’t help! Worst case scenario, baka mawala pa ang potential clients mo na sumusubaybay lang sa news feed or profile mo! Much better kung puro positive lang.
Walang ibang makakapag motivate sa atin kundi ang sarili natin. Para ma-overcome ito, mag post ng mga quotes – pero ‘wag yung mga hugot quotes ha! Dapat, anything that motivates you and others.
Mag post din ng mga masasayang moments sa profile mo na maaari mong ma-tag na throwback. Nakakatulong ito para ma-boost mo din ang morale mo at maka impluwensya positively sa audience mo.

Comments
Post a Comment