The Gullible Pinoy || Blog #1


May bago si upline. Walang basa basa. Walang research research! Naglabas ka ng pera. Nag payout ka sa una. Nag pasok ka ulit. Power eh! Tapos, nag invite ka pa ng mga friends at kamag anak mo.

Eventually, boom! Hindi na kayang mag pay-out ng company. Hindi na din mahagilap si owner. Ilang gabi ka nang hindi nakakatulog kakaisip kung paano mo marerecover ang pera mo. Nawalan ka na din ng friends at iniwasan ka ng mga kamag anak mo.

Sounds familiar? ☺

Maaari. Dahil karamihan sa ating mga Pinoy ay gullible. We trust too much. Basta pag dating sa pera at pagkakakitaan.

Kahit talamak na ang mga scam online, mabilis tayong mag give-in lalo na kung kikita ka ng malaking interest sa investment mo.

Well, uso ngayon ang cryptocurrency at maraming nananamantala sa kasikatan nito. Habang sinusulat ko ‘to ay talamak din ang mga ‘ad clicks’ kung saan ay kada click mo ay magkaka income ka. Of course, para kumita ka ng mas malaki, kailangan may invite o referral ka.

Kung naalala niyo before around year 2014-2015 ay sumikat ang mga table exits o tinatawag na table matrix na pinasikat ni **goldex. Sa kamahalan ng pay-in nila, unti unting naglipana ang mga ‘company’ na gumaya sa sistema nito. Ang naiiba lang ay ang produkto at mas mababa ang pay-in na inooffer nila.

Wala itong pinag kaiba sa nangyayari ngayon. Nagiging creative lang ang mga pasimuno neto and the viscious cycle continues...

Mahirap i-associate ang word na ‘katamaran’ sa context ng blog kong ito dahil hindi naman katamaran ang dahilan kung bakit nagiging gullible ang mga Pinoy sa ganitong sistema ng kitaan.

Edukasyon ang kailangan nating mga Pinoy. Matuto din tayong mag research on our own at ‘wag masyadong i-asa ang katiting na impormasyon na binibigay sa atin ng ibang tao.

Huwag maging gullible. Maging objective tayo pag dating sa decision making at gamitin lamang ang perang kayang kaya mong pakawalan.

Comments